Mga listahan ng ikaw
Mga listahan ng ikaw --
Ikaw ang una kong maaalala sa tuwing maririnig ko ang mga kanta at cover ni ysabelle cuevas sa aking spotify.
Ikaw ang saya sa kabila ng nakakapagod at nakakasawang routine ng araw ko.
Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit pumapasok na ko ng maaga kahit na kilala naman na ko satin na laging late pumasok.
Sabi nila nothing good happens after 2am, pero ikaw ang pinakamagandang nangyari sakin sa ganyang oras. Takot na takot ako sa ganyang oras, pero dahil nandyan ka hindi ako natatakot.
Ikaw ang musika sa bawat notang tinitipa ko sa gitara na ngayon ko na lang ulit nahawakan. Ang musa sa bawat letra at tugma sa aking mga isinusulat.
Ikaw ang una kong naisulat ng masaya. Hindi ako at home sa saya, nakakatakot maging masaya dahil madali akong masanay sa mga bagay na alam kong hindi magtatagal.
Ikaw ang dahilan ng mga biglaang lungkot, biglaang lamig ng gabi, na napapawi naman sa tuwing magkakausap na ng maayos sa umaga.
Ikaw ang pait sa shawarma, kung kakain pa ko nun. Hindi ka na maaalis dun. Pati sa mga birthday ko, magiging kasama ka sa panalangin. Bakit ba kasi naging magkabirthday pa tayo.
Ikaw ang alaala ng bagong taon na tiyak kong hahanapin ko sa mga susunod pang bagong taon.
Sabi ko dati, 'ikaw' ang paborito kong tagalog word. Joke lang yun. Kung tagalog yung 'aya' na palayaw mo, yun ang paborito ko.
Iisa ka lang, pero maraming ikaw.
Kahit na hindi na ikaw yung dating ikaw na dumating, at kahit ayoko sana, laging may mga bagay na nabanggit na mananatiling 'ikaw ' lang
Comments
Post a Comment